4.4.4 Mga Batayang Pamantayan ng Estado na Para sa Lahat (Common Core State Standards)

Mga Batayang Pamantayan ng Estado na Para sa Lahat (Common Core State Standards) Link to this section

Inilalarawan ng mga pamantayan sa edukasyon kung ano ang dapat nalalaman at nagagawa ng mg estudyante sa bawat asignatura sa bawat grado. Sa California, ang Lupon sa Edukasyon gn Estado ang nagdedesisyon ukol sa mga pamantayan para sa lahat ng estudyante, mula kindergarten hanggang high school. Tumutulong ang Departamento ng Edukasyon ng California sa mga paaralan upang matiyak na natutugunan ng mga estudyante ang mga pamantayan. 

Magmula pa noong 2010, may ilang estado na sa kabuuan ng bansa ang nagpatupad na rin ng magkakaparehong pamantayan para sa Ingles at matematika. Tinatawag ang mga pamantayang ito na Mga Batayang Pamantayan ng Estado na Para sa Lahat (Common Core State Standards, CCSS). Nakatutulong ang pagkakaroon ng magkakaparehong pamantayan upang makakuha ng magandang edukasyon ang lahat ng estudyante, kahit pa magpalit sila ng paaralan o lumipat sa ibang estado. Dinisenyo ng mga guro, magulang, at eksperto sa edukasyon ang CCSS upang maihanda ang mga estudyante sa tagumpay sa kolehiyo at sa pinagtatrabahuhan. 

May karagdagang Impormasyon sa: https://www.cde.ca.gov/re/cc/

This page was last updated on October 28, 2022