Insidente sa Denman Middle School

Announcement Details

Posted on

Announcement Message

Mahal na komunidad ng Denman, 

Sumusulat kami para ipagbigay-alam sa inyo na nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawang estudyanteng nasa ika-walong grado sa James Denman Middle School kaninang 12 p.m. ngayong araw na ito (Marso 15), at may natagpuang sandata sa insidente, bagamat hindi ginamit o inilantad sa mapagbantang paraan ang sandatang ito. Ligtas ang mga estudyante at kawani, at walang sinuman na nasaktan.

Kinumpiska na ang sandata, at ipinatawag na rin ang Departamento ng Pulisya ng San Francisco (San Francisco Police Department, SFPD). Dumating ang pulisya ng mga 12:10 p.m., at dahil kinakailangan ng labis-labis na pag-iingat, nagdeklara ng lockdown (protocol o karaniwang gawain sa panahon ng emergency, kung saan pinananatili ang mga indibidwal sa may seguridad na lugar) nang 12:20 p.m. Tinapos ang lockdown nang 1:02 p,m., at nagpatuloy ang araw ng pagpasok sa paaralan ayon sa nakatakda. Siniyasat ang mga locker ng mga estudyante.

Sa lockdown, isinasara ang pintuan ng mga klasrum, pinapatay ang mga ilaw, at tahimik ang mga estudyante at kawani at lumalayo upang hindi makita ng iba. 

Pangunahing prayoridad natin ang kaligtasan ng ating mga estudyante at kawani. Bagamat nakababagabag na may kung anumang sandata na nasa kampus, gusto naming muling tiyakin sa mga pamilya na agad na tinugunan ang insidenteng ito, at na walang estudyante na nasaktan. 

Bihira ang mga pagkakataon na may mga sandata. Mayroon na kaming ilang ipinatutupad na hakbang para sa seguridad ng mga paaralan. Pinakamahalaga rito, ang  pinakamahuhusay na hakbang para sa seguridad ay ang paglikha ng paaralan ng kapaligiran, kung saan alerta ang lahat ng nakatatanda sa posibleng mga banta, at nararamdaman ng mga estudyanteng ligtas sila sa pag-uulat ng mga inaalala sa mga
nakatatanda. 

Gaya ng alam ninyo, may mabibigat na konsekuwensiya ang pagdadala ng sandata sa paaralan. Matatagpuan ang impormasyon ukol sa mga polisiya ng ating paaralan sa Libritong-Gabay ng SFUSD par asa mga Estudyante at Pamilya (Student and Family Handbook).

Sa pakikiisa sa komunidad,
Principal (Punong-guro) Lisa Jovick

Announcement Links