Pagpapatotoo sa mga Karapatan ng Komunidad ng SFUSD

Announcement Details

Posted on
Grade Level
Early Education
Elementary School
K-8 School
Middle School
High School
Central Offices
County School

Announcement Message

Mahal na Komunidad ng SFUSD:

Habang papalapit na ang Bakasyon sa Taglagas o Fall Break, panahon na ito upang makapagpasalamat at muling patotohanan ang mga pinahahalagahan na nagbibigkis sa atin bilang komunidad. Kinikilala namin na humantong sa pagkakaroon ng maraming uri ng emosyon sa ating mga estudyante, pamilya, at kawani ang naging resulta ng pambansang eleksiyon. Dahil naiintindihan ng San Francisco Unified School District ang posibleng epekto nito sa ating mga pampaaralang komunidad, muli nitong ipinahahayag ang aming pangako na poprotektahan ang mga karapatan ng ating mga estudyante, pamilya at kawani, lalong-lalo na ang pinakamaaapektuhan ng anumang paparating na pagbabago sa pederal na administrasyon.  

Naninindigan kami sa aming paniniwala na karapat-dapat ang bawat bata na magkaroon ng edukasyon at karapat-dapat ang bawat pamilya na matrato nang may paggalang, dignidad, at patas na pagtingin. Hinihikayat namin ang mga pamilya na rebyuhin ang kanilang mga karapatan na nasa Libritong-Gabay ng SFUSD para sa mga Estudyante at Pamilya (SFUSD Student and Family Handbook).

Batay sa Polisiya ng Lupon (Board Policy) 5145.10, may malinaw kaming mga gabay na nagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng lahat ng ating estudyante. Ligtas na kanlungan ang SFUSD para sa lahat ng estudyante, anuman ang katayuan ng kanilang pagiging mamamayan o citizenship. Sa pakikiisa sa aming Lupon ng Edukasyon (Board of Education), mga estudyante, pamilya, kawani, ka-partner sa paggawa, at sa mga komunidad sa kabuuan ng lungsod, at nang naaayon sa Ordinansa ukol sa Pagiging Santuwaryo (Sanctuary Ordinance) ng Lungsod at ng County, muling ipinahahayag ng SFUSD ang aming posisyon na may karapatan ang lahat ng estudyante na pumasok sa paaralan, anuman ang kanilang katayuan sa imigrasyon o ang katayuan ng mga miyembro ng kanilang pamilya. Pakitingnan ang:  Resolusyon ng Lupon (Board Resolution) Blg. 74-24A2, na “Pananagutan ng Lupon ng Edukasyon ng SF sa Edukasyon ng Lahat ng Imigranteng Bata at Pagtutol sa mga Pagsalakay Kamakailan ng ICE  (Board of Education Commitment to Education of All Immigrant Children and Opposition to Recent ICE Raids)” na Pinagtibay noong Abril 24, 2007” at ang Resolusyon ng SF (SF Resolution) Blg. 171-10A1, na “Mga Estudyanteng Walang Dokumentasyon, Hindi Natatakot, at Nagkakaisa (Undocumented, Unafraid, and United Students)” na Pinagtibay noong Mayo 23, 2017.  

Bukod rito, pinagtitibay din ng Administratibong Regulasyon ng SFUSD (SFUSD Administrative Regulation) 5145.4ang karapatan ng mga estudyanteng transgender, non-binary (hindi eksklusibo ang kasarian), at hindi sumusunod sa tradisyunal na kasarian na matawag ng pangalan at panghalip o pronoun na naaayon sa kanilang identidad ng kasarian batay sa pagkakasaad ng estudyante. May karapatan ang mga estudyanteng makagamit ng banyo, locker room, at iba pang pasilidad na naaayon sa kanilang identidad ng kasarian.  

Walang lugar sa ating komunidad ang anumang uri ng diskriminasyon, at may malilinaw na polisiya ang Distrito na nagbabawal ng gayong mga aksiyon laban sa ating mga estudyante.  Patuloy na igagalang ng SFUSD ang mga polisiyang nagtataguyod ng mga kapaligiran para sa pag-aaral kung saan nararamdaman ng bawat estudyante na siya ay pinahahalagahan, naririnig, at ligtas.   

Nanatiling matatag ang pagtutuon ng SFUSD sa paglikha ng nagbibigay ng suporta, nagsasama sa lahat, at nagpapalahok na mga kapaligiran para sa pag-aaral kung saan magkakasama tayong umuunlad. Salamat po sa pagiging bahagi ng komunidad ng SFUSD.  Hangad namin para sa inyo ang ligtas at nagdudulot ng pahinga na Bakasyon sa Taglagas. 

 

Sa pakikiisa sa komunidad, 

Dr. Maria Su, Superintendente ng mga Paaralan

Presidente ng Lupon ng Edukasyon Matt Alexander

Bise-Presidente ng Lupon ng Edukasyon Lisa Weissman-Ward

Komisyoner Alida Fisher

Komisyoner Phil Kim

Komisyonerr Mark Sanchez

Komisyoner Kevine Boggess

Komisyoner Jenny Lam

Inihalal na Komisyoner Jaime Huling

Inihalal na Komisyoner Parag Gupta

Inihalal na Komisyoner Supryia Ray

Nagkakaisang mga Administrador ng San Francisco (United Administrators of San Francisco)

Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco (United Educators of San Francisco)

SEIU Lokal 1021

IFPTE, Lokal 21

Announcement Links