Announcement Details
Announcement Message
Mahal na mga pamilya ng SFUSD,
Nasabi na ng mga eksperto sa pampublikong kalusugan na bagamat hindi pa lubusang nawawala ang banta ng COVID-19, nasa higit na mas mabuting posisyon na ang San Francisco ngayon kaysa sa anumang nakaraang panahon ng pandemya, dahil sa matataas na porsiyento ng pagpapabakuna at pagpapa-booster at sa pagkakaroon
ng epektibong mga gamot para sa COVID-19.
Binago na ng Departamento para sa Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (San Francisco Department of Public Health, SFDPH) ang direktiba ukol sa sa pagbubukod ng sarili at pagkakuwarantenas (isolation and quarantine directive) at nang maiayon ang paggabay ng lungsod sa naibahagi na ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California (California Department of Public Health, CDPH).
Kung ano ang magbabago
- Binabago ng pangkasalukuyang gabay ng SFDPH ang dating mga itinatakda para sa pagbubukod ng sarili at pagkakuwarantenas sa pangkalahatang publiko sa San Francisco tungo sa pagiging mga rekomendasyon.
- Sinamang nasuri na may COVID-19 (sa pamamagitan ng test na nagpositibo o ng medikal na pagsusuri), anuman ang katayuan ng pagpapabakuna, ay kailangang ibukod ang sarili gamit ang mga gabay na nakalista sa gabay ng CDPH.
- Mahigpit na inirerekomenda sa sinumang may mga sintomas ng COVID-19 o malapitang kontak ng indibdiwal na may COVID-19 na sundin niya ang mga gabay ng CDPH, at dapat niyang ibukod ang sarili kapag na-test siyang positibo.
- Mag-o-offline ang Linya ng SFUSD para sa Pagbibigay-suporta ukol sa COVID-19 at ang covidreporting@sfusd.edu sa Marso 31, 2023.
- Hindi na magkakaroon ng bagong impormasyon ang Dashboard para sa Pagte-testing sa COVID-19 pagsapit ng Marso 31, 2023.
- Hindi na rin ipagpapatuloy ng SFUSD ang COLOR na mga molecular test kit para sa pagsa-swab ng sarili pagsapit ng Marso 24, 2023. Ang huling araw ng pagkuha nito ay sa Marso 17, 2023 para sa mga paaralan at Marso 24 sa 555 Franklin Street.
Kung ano ang mananatiling pareho
- Mamamahagi ng nakukuha nang walang reseta (over-the-counter, OTC) na mga rapid antigen test kit na kaloob ng CDPH sa mga estudyante sa paaralan hanggang Hunyo 2, 2023.
- Ipagpapatuloy din namin ang kasalukuyang gawain ng pagrerekomenda, at hindi pagtatakda, ng mga mask sa lahat ng paaralan at sentral na opisina ng SFUSD. Puwede piliin ng mga estudyante, empleyado, at bisita na magsuot ng mask kung inaakala nilang makabubuti ito.
- Ipagpapatuloy namin ang pagbabahagi ng pinakabagong impormasyon at mga rekurso sa mga pamilya kung paano sila makakukuha ng bakuna sa San Francisco sa pamamagitan ng aming website, nakalimbag na materyales, at email.
- Patuloy naming gagawing nagagamit na pasilidad ang mga paaralan ng SFUSD sakaling magkaroon ng mga rekurso ang SFDPH sa pagtatayo ng mga klinika para sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa mga paaralan ng SFUSD.
- Habang patuloy na nagbabago ang sitwasyon ukol sa COVID-19, mananatili kaming may pananagutan sa mga komunidad na pinakanaaapektuhan ng virus. Patuloy kaming mahigpit na nakikipagtrabaho sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco upang makapagbahagi ng impormasyon ukol
sa pagkakaroon ng mga rekurso laban sa COVID-19, tulad ng pagte-testing at pagpapabakuna, para sa mga higit na nangangailangan.
Sumasainyo sa komunidad,
Dr. Matthew Wayne, Superintendente