Announcement Details
Announcement Message
Setyembre 27, 2021
Abiso ukol sa Pag-urong ngTakdang Panahon ng Pag-aapply:
Opsiyon sa Pagbabago ng Grado para sa mga Estudyanteng nasa High School at Naka-enroll sa 2020-2021 Kinakailangang Isumite ang Aplikasyon bago sumapit ang Biyernes, Oktubre 22, 2021
Opsiyong Baguhin ang Letrang Grado Tungo sa Pasado/Hindi Pasado (Pass/No Pass): Ang magulang/ tagapatnubay/ may hawak sa mga karapatan sa edukasyon ng estudyanteng nasa high school na naka-enroll sa kurso sa high school sa akademikong taon 2020-2021 ay puwedeng mag-apply upang mapalitan ang (mga) letrang grado tungo sa gradong Pasado/Hindi Pasado (Pass/No Pass) para sa kursong iyon sa akademikong taon 2020-2021. Puwedeng mag-apply para sa sarili ang mga estudyanteng 18 taong gulang o mas matanda pa.
Noong Setyembre 23, 2021, pinirmahan ni Gobernador Newsom ang batas na nagpapahintulot sa mga distritong iurong ang huling araw ng pagsusumite. Nauna nang pinahintulutan ng AB104 ang opsiyon sa pagbabago ng grado nang may huling araw ng pag-aapply na Agosto 14, 2021.
Kung Paano Humiling ng Pagbabago ng Grado: Para sa pagbabago tugo sa Pasado/Hindi Pasado (Pass/No Pass), puwede ninyong kompletuhin ang google form na ito online (https://bit.ly/3if6c66) O i-print at kompletuhin ang Grade Change Application (Aplikasyon para sa Pagbabago ng Grado) at ipadala ito sa koreo sa SFUSD Transcript Office na nasa 20 Cook St. San Francisco, CA 94118 bago sumapit ang Oktubre 22, 2021.
Paano kung nakapagsumite na ako ng kahilingan? Kung nakapagsumite na kayo ng kahilingan, ipoproseso ng SFUSD ang inyong kahilingan.
Kailangang maisumite ang lahat ng bagong kahilingan bago sumapit ang Oktubre 22, 2021.
Walang epekto sa GPA/Pinansiyal na Tulong: Wala nang limitasyon sa bilang o uri ng kursong kuwalipikado para sa pagbabago ng grado, at hindi negatibong maaapektuhan ng pagbabago ang panggitnang grado (grade point average) ng estudyante. Hindi rin magreresulta sa pagbabawi sa pagiging kuwalipikado o karapatan ng estudyante sa tulong pinansiyal mula sa estado o institusyon.
Epekto Matapos ang High School: Tatanggapin, para sa layunin ng pagpasok para sa pag-aaral, ng mga sumusunod na pang-edukasyong institusyon matapos ang high school, ang transcript (opisyal na rekord ng trabaho ng mag-aaral) na may gradong Pasado o Hindi Pasado (Pass or No Pass) sa halip na letrang grado: Listahan ng mga Institusyon Matapos ang High School (Postsecondary Institutions): https://www.cde.ca.gov/ci/gs/ps/ab104surveyresults.asp. Pakitandaan na may ilang pang-edukasyong institusyon matapos ang high school), kasama na iyong nasa ibang estado, na posibleng hindi tumanggap ng gradong Pass o Not Pass sa halip na letrang grado para sa mga layunin ng pagpasok para sa pag-aaral.
|
Makatatanggap ang mga aplikante ng abiso ukol sa pagbabago ng grado sa transcript ng estudyante sa loob ng 15 araw matapos matanggap ang aplikasyon. Matatagpuan ang impormasyon ukol sa transcript sa website na: https://www.sfusd.edu/services/student-services/transcripts-student-records-work-permits